Jun 13, 2006

Pilipino ako kasi...

1. ...Ginugupit namin ang lalagyan ng toothpaste kapag ubos na. Sinusuyod ang laman hanggang masimot.

2. ...Mahilig mag display ng mga lalagyan ng pabangong wala ng laman sa kuwarto.

3. ...Ginagawa naming baso ang lalagyan ng peanut butter kapag ito'y ubos na.

4. ...Gumagamit ng tabo.

5. ...Nagtatabi pa kami sa bahay ng asukal na cubes galing sa Amerika. At kapag malapit ng maubos, itatabi pa namin at bibili na lang sa tindahan ng ibang asukal.

6. ...Itinatabi ang mga nakukuhang disposable spoons and forks na hindi nagamit kapag bumili kaming pamilya sa isang fast food, take out o delivery.

7. ...Umaalis ng bahay kahit pamasahe lang ang dala.

8. ...Nagtsi-tsinelas sa palikuran habang naliligo.

9. ...Nagsusuot ng butas butas na shirt kapag nasa bahay lang at walang ginagawa.

10. ...Ginagawang lalagyan ng lokal na kape ang bote ng "Folgers Coffee".

11. ...Nagtatabi ng mga balikbayan boxes.

12. ...Mp3 ang tawag sa i-pod.

Pero kahit ilang milyon pang dahilan ang ilista ko, Pilipino ako. Yun lang yun.

Kayo? a dozen reasons nga diyan? All you have to do is to look to your home for traces of being a Filipino. Hindi importante yung negative or positive. (Naks! sabay nag taglish noh?! hehehe! olats!)