Dec 31, 2004

Bagong Taon, Lumang Problema

bago.
by greenmangoes

Bagong taon
Bagong sigla
Bagong buhay
Bagong pagpapahalaga
....
Bagong bukas
Sa isang makitid na daan
Bagong pagsubok
Para sa mga dukha at makapangyarihan
....
Bagong pagkakataon
Sa mga mahilig sa kalokohan
Gamitin ito sa mabuting paraan
At huwag sa kabastusan
....
Ang aral ng nakaraan ay magsisilbing leksyon
Upang ang hinaharap ay hindi wasak sa bagong taon
Pilitin natin at mag isip na muna
Upang sa susunod hindi tayo madisgrasya
....
Bagong cd
Bagong relo
Bagong laruan
Ngunit maliit pa rin ang suweldo at mga pagkakakitaan
....
Bagong sapatos
Bagong pag ibig
Bagong kaaway
Bagong paputok
....
Bago nga damit
Bago nga pantalon
Bago nga ang lahat-lahat ng na sa iyo
Luma naman ang iyong utak at puso
....
Bagong sumpa
Bagong hula
Bagong katatakutan
At bagong pakikipagkaibigan
....
Ito'y para sa'yo na walang sawang nagbabasa ng "blog" ko
Dahil ako'y napalapit na sa inyo
At nagkaroon ng pagkakataon na maging kaibigan ko
Alay ko ang tulang ito
....
Salamat sa pag basa
Ako'y luluwas na ng probinsya
Doon ako magbabagong taon
At doon tatalon
....
Tayo'y mag saya
Dahil buo pa rin ang ating pamilya
Maayos ang kalusugan
At magkakasama
....
Tayo'y magsaya dahil mayaman ang mundo
Sa mga kaibigang katulad ng nasa puso ko
Salat man ako sa pera o kahit sa barya
Ang mahalaga'y nandiyan tayo sa isa't isa
....
Sige na humahaba na ito
Ititgil ko na at baka maiyak pa tayo
Mag enjoy na lang sa kanta ng Rivermaya
Nawa'y mag bigay ito ng leksyon, babala at pag asa

kamusta na? kaya pa ba?

napanood ko ito kagabi. nakaka touch ang istorya ng mga taong pangkaraniwan ngunit nakakagawa ng mga bagay-bagay na di-pangkaraniwan. iba iba ang dahilan, ngunit iisa ang hangarin -ang mabuhay. These are just simple victories that symbolizes... kaya pa! bathala na...
Hava Great new year's day to everyone! and oh, please check your fingers after... heheheh!!! mas masarap mag bagong taon kapag kumpleto pa yan....
thank you sOoo much!!!!
May God bless us all!