Feb 26, 2007

Sa Tahanang Mag Isa At Sa Biglaang Pag-ulan

Ang hirap pa lang nasa bahay ka lang at nag iisa. Walang makausap maliban sa sarili lamang. Nakatunganga habang kumain ng walang kasama. Tumatawa kapag may naaala. Biglang ngingiti. Biglang iisip ang mga bagay bagay simula sa nakalipas, hanggang sa mga bagay na mangyayari o gustong mangyari.

Ang nakaka inis, hindi mo makuhang mag-focus sa mga kailangan gawin habang nag iisa. Patuloy lang na nag iisip.

Ang hirap naman ng ganito. Ang... mag-isa.

Tinitignan na ako nga mga gamit dito sa bahay. Napapagod na din sila sa kaka unawa sa 'king situwasiyon. Si Donatelo naman, ang aming pagong, tahimik din. Tila walang pakialam kung mag isa lang siya.

Ang hirap naman maging pagong.

Sa wakas umulan kanina. Gusto kong maligo sa ulan... ngunit ang pangit naman ng pakiramdam kung mag isa ka lang na maligo sa ulan. Pati ba naman sa ulan mag isa ka lang?! Mas nakaka bagsak ng pakiramdam kapag mag isa ka na lang sa tahanan, at mag isa ka lang na maligo sa ulan. Masarap sa pakiramdam kapag may kasama ka. Nakikipag usap habang ang langit ang bahala sa pag linis nga iyong katawan sa nakalipas na dumi at baho ng kalooban. Kung may abilidad nga lang sana ang ulan, na kahit sa isang saglit, ay mapawi ang lahat ng kalungkutan at pagka bigo, hindi na ako maliligo gamit ang tubig ng Nawasa.

O pano, maiwan na muna kita. Tinatawag na ako ng mga libro ko para sa isang napaka halagang pagsusulit sa darating na mga araw.

*(Hikab)

Huwag sana akong makatulog.