Apr 9, 2007

NEVER BEEN SO ALIVE.

Bakit ba minsan, sa sobrang saya mo, hindi mo ito ma explain ng maayos?

Parang hindi ka makapag form ng isang salita maliban sa.. "masaya ako."

Minsan, sa sobrang saya mo, parang gusto mong lumuha, tumawa, tumalon, kumanta ng sabay-sabay.

Baliw.

Ayos lang. Makulay ang mundo kapag masaya ka. Para kang batang paslit na naglalaro sa init ng araw. Hindi ini-inda ang bawat pag patak ng pawis sa paglalaro.

Ang babaw.

Ang sarap ng pakiramdam.