Sending Regards
May mga tagpo sa buhay natin na kapag wala ang taong hinahanap natin, automatic na tayong hihingi ng pabor na ikamusta tayo sa kaniya o sa kanila.
Ilan sa atin ang nag papasabi ng "Paki kamusta mo na lang ako kay..." o "Say hello for me to her, okay?" sa mga kaibigan natin pero ito'y hindi naman nasusunod.
Kadalasan ang isasagot natin sa request na 'yan ay "Oo. Sige!" o "Sure! No prob! I will".
Ito na siguro ang pinaka madaling request na hindi natin minsan sinusunod o kadalasang sinasadiya nating kalimutan.
Ano nga ba ang meron ang request na yan at hindi natin magawa?
Sa sobrang ikli ba nito ay kinatatamaran pa natin gawin?
Wala naman sigurong mawawala kung ito'y sundin?
Nagpapapansin lang ba silang mga nag request?
Kung tutuusin mo, kapag sinunod naman natin ang request nila, automatic na din ang sagot na makukuha mo. Gaya ng:
"Say "Hi" for me to her/him na rin!", "O kumusta naman siya?", "Paki sabi hello na rin pag nagkita kayo ulit ha!", "Regards na lang kay...."
Aba! Biro mo, ang isang simpleng pabor ay katumbas din pala ulit ng isang parehong pabor.
Hindi malayong isipin na tatamarin ka nga na sundin ang request na ito. :)
<< Home