"Dasal-Dasalan"
Tinatawag ang ngalan mo
'Pag kailangan ko ng ganito, nito at ito
Ibinibigay kusa ang kahilingan
Lalo na sa panahong pinanghihinaan
Sa mga oras na kami'y busog na
Sinasadiyang 'di ka na marinig at makita
Ang bilis naming makalimot
Samantalang kahapon lamang kami'y nakaluhod
Naubos na naman ang grasiya
Tatawag na naman ulit kami sa'yo
Hihiling muli at aabuso
Bubulong, magdadasal, magrorosariyo
At dumating na nga ang araw na ika'y bingi na
Halos walang pakialam at nakamasid lamang
Leksiyon ang bigay mo't ito'y pagdusahan
Nauumay ka rin po pala't kami'y pinagsawaan
Kailan ba ako matututo?
Sinasamba kita sa pagkalam ng tiyan
Kailan nga ba kami natuto?
Mga anak mo nga kami't dapat parusahan
Bukas tatawagin uli't ang ngalan mo
Ngunit hindi na para sa ginto
Sa pagkalam ng sikmura ko
Mabubusog lamang sa kapatawaran mo
-ccigaux adona
<< Home