Saklay
A mother and a father breathtakingly looking at their child, sleeping. Suddenly, the child yawned. The parents smiled. And then, they recited a vow that came from their hearts...
Ina: "Nandito kami, anak, para mangako sa'yo, saksi lamang ang gabi."
Ama: " 'Di mo man ito naririnig, sapat na ang sandaling kapiling ka namin."
Ina: "Ako ang iyong tubig na papawi sa iyong uhaw."
Ama: "Ako ang magiging tulay mo sa konsensiya't responsibilidad."
Ina: "Ituturo ko ang pagmamahal at pagmamalasakit."
Ama: "Ituturo ko ang pagtitiis sa mga pasakit."
Ina: "Ako ang iyong duyan."
Ama: "At ako ang iyong lubid."
Ina: "Ako ang iyong gabay."
Ama: "At ako ang mag tutuwid."
Ina: "Ang buhay ko'y buhay mo rin, anak."
Ama: "Ang kaluluwa ko'y kaluluwa mo din, 'nak."
Ina/Ama: "Sisikapin namin ibigay ang lahat. Ang lahat-lahat."
Ama: "Dahil mahal ka namin."
Ina: "Higit pa sa aming mga sarili."
***
Ama: "Dalawa lang ang aming hihiling sa'yo, 'nak:"
Ina: "Mahalin mo rin kami..."
Ama: "...At maging saklay namin..."
Ina: "...Sa panahong nadidinig na namin ang huni ng ibon sa bukang liway-way."
Ama: "...At sa panahong di na namin kailangan ng suklay."
Humbly dedicated to our mama, who's sleeping right now while I'm composing this. And to our papa, who's in an Arab country for 8 years now, fighting for his dignity and right as a man and as a father to his sons.
And to you, my reader, for your parents/guardians/yaya's, as well.
<< Home