No Moolah, Bored Summer?
Ikaw ba 'to?
Mainit na nga ang panahon, wala ka pang pera. Naka dikit ka maghapon sa upuan at naka titig sa telebisiyon. Naiinggit sa mga kaibigan na palangoy-langoy na lang sa dagat at pool sa mga oras na ika'y nagtitiis sa mga patutsada ni Willie. Mistulang napaka bagal ng oras. Inaantay ang text ng isang "particular someone". At ang masaklap, magdadalawang buwan ka ng walang load. Nagpla-planong mag "outing" pero di matuloy tuloy. Sampung beses kang humihikab sa isang araw. Tanghali ka na gumising.
Puwes, 'di ka nag iisa. :)
Heto ang mga kakapiranggot na tips para maging masaya at kaaya aya ang summer mo kahit naka kulong ka at nagmumukmok sa bahay.
1. Maligo ng apat na beses sa isang araw.
2. Maglaro ng Magic: The Gathering with friends and partners. O kahit na anong card game.
3. Magbasa ng libro.
4. Mag basa ng mga kagilagilalas na friendster profiles.
5. Makipag titigan sa alaga. (Masuwerte ako at meron kaming alagang Pagong)
6. Abangan ang latest sa mala-telenobelang buhay ni Brian Gorell...(Na magkakaroon na raw ng MMK version.)
7. Kumatok sa kahoy tuwing nakakarinig ng tik-tik ng butiki.
8. Lumundag, Umawit sa harap ng electric fan at Tumawa... mag isa. :)
9. Isipin ang nakaraan; ang nakaraan niyo ng isang taong naging malapit sa iyo.
10. Mag ehersisiyo tuwing gabi, tatlong beses sa loob ng isang linggo.
11. Tumugtog ng instrumento.
12. Magpuyat.
13. Mag post ng blog tungkol sa latest summer (boring man o hindi) experiences mo so far.
14. Mangarap ng gising.
15. Gumawa ng tula. (kahit walang katuturan)
16. Makipag usap sa long lost friends. (Kung may kontak ka pa.)
Ituloy mo ang listahan... :)
<< Home