warning... this is a long post folks!
what would be the next generation's making out reasons & excuses to gimik or to lie? i mean... kung sa mga parents/teachers/prof/guardians/lolo&lola ngayon e nakakalusot ang ganitong klaseng mga palusot e pano pa kaya tayo kung naging parents na rin? here are some of it. feel free to add... heheheh!!
*kapag ginagabi sa pag uwi or kapag inumaga na scenario:
"ma/dad thesis lang. natulog po ako sa klasmeyt ko"
"ma/dad birthday po ni ______" (insert friend's name to the space provided)
the real score: wala naman talagang thesis. or wala naman talagang birthday. nag inuman o gumimik lang sila.
"ma/dad. na stranded po ako, traffic kasi pauwi so nag patila po ako ng ulan."
the real score: ha? ano kamo? ang sabihin mo hinatid mo girlfriend mo. or nagkita pa kayo ng boypren mo. or dumaan ka muna sa kabarkada mo kasi ayaw mo ulam sa bahay o kaya may problema ka na hindi mo ma open-up sa 'min. 'di kaya nagpunta ka lang sa isang concert ng isang sikat na singer kaya ka ginabi.
"ma/dad, busy sa skul e. practice ng sayaw."
the real score: tinatamad pang umuwi ng maaga.
*kapag may overnight or 3 days hindi uuwi ng bahay scenario:
"ma/dad, next week hindi po ako matutulog dito ah? may thesis kami e.
the real score: thesis nanaman?
"ma/dad, next week hindi po ako matutulog dito ah? may field work po. at the same time next week din may field trip kami sa puerto-gallera-de-asul-punta-fuego-ala-baguio-de-boracay"
the real score: ha? akala ko ba wala ng fieldtrip kapag college? uso lang yan kapag elementary ah? ang sabihin mo, pupunta kayo ng tagatay with your girl/guy.
"ma/dad, may practice kami ng sayaw/play sa bahay ng klasmeyt ko jan sa....."
the real score: kadalasan may practice ngang nangyayari pero after that nasa sinehan na at after that, inuman na sa bahay ng klasmeyt.
*kapag hihingi na ng allowance scenario:
"ma/dad, kailangan ko ng ganitong amount for the school's project/case study.."
the real deal: nag iipon kasi may nakitang magandang damit, pantalon, undies, sapatos, make-up, comic book, magazine, book, chika babes, relo, alahas, may reregaluhan, kakain sa labas with someone, cellphone at kung ano ano pa.
"ma/dad, tuition fee ko po.. (sabay abot ng statement of account na made in recto)
the real deal: kick back ng P1,000 to P10,000. yung iba sabi nila para may ipon lang sila. kasi hindi sapat yung binibigay ng nanay at tatay nilang allowance. yung iba naman para sa girlette/guylette nila. ang TIBAY MO! maawa ka naman sa magulang mo...
----------------------------------------------------------------------------------------------
*the classic palusot scenarios:
"ma/dad, magpapasama lang ako jan sa mall ha? sandali lang ako." (hindi pa nga nakaka oo ang nanay at tatay e mabilis pa sa alas kwatro kung maka sugod palabas ng bahay)
the real deal: gaano ka sandali ang sandali? aber, gumagabi na at wala pa ang anak niyo. nasa mall nga pero nasa malayong mall sa lugar niyo! kung minsan nasa tambayan o kaya nasa basketball court.
"ma/dad, this is my classmate margareth/michael."
the real deal:
(on girls): ipagpapaalam ni margareth(ang klasmeyt) sa mga magulang na may project/thesis silang gagawin and/or mag oovernight sila sa isang bahay na puro girls "daw".
(on guyz): may gimik lang silang buong barkada sa isang lugar na tiyak na hindi siya papayagan ng parents nito kung saan man yun or para sa kagustuhan lang na makumpleto silang barkada sa gimik.
"ma/dad, uhm... may lakad po ba kayo this coming week end? kasi hindi po ako makaksama sa inyo e..."
the real deal: gustong malaman ng anak kung saan sila pupunta at kung anong oras sila aalis at uuwi para pwedeng mag stay ang girlfriend/boyfriend niya sa bahay ng buong araw/linggo.
*the "anak! bakit ayaw mong sumama?" scenario
"ma/dad, i love to be with both of you to the grocery/mall/church/aunts house/hospital/park but i have lotsa things to do pa e. y'know home works and projects..."
"ma/dad e, eeee.... ayaw ko e... basta! yaw ko!"
"kayo na lang dad... puyat ako kagabi e.."
the real score: tinatamad, may tampo, na iinis sa mundo, may PMS, may sumpong, may inaantay na dadating, may inaantay na tawag, may gagawin aside sa mag aral, may panonoorin sa tv, matutulog, pagod, puyat, ayaw mag bantay sa mga kapatid na maliliit, madaming tao sa mall ngayon, malungkot, sawa na, may laro ng basketball, may practice at plainly tutunganga mag hapon sa bahay. minsan naman nagkukulong na agad sa kwarto o kaya umaalis na agad ng bahay para hindi ma-isama sa lakad.
ganun pa man... sa dinami dami pa ng palusot natin, kagalitan man tayo ng ating mga magulang sa pagsaway natin sa kanila, uuwi at uuwi din tayong masaya at walang pag sisisi.
a friend of mine once said...
"ok lang yan na ma late kang umuwi! kahit kagalitan ka pa nila, paluin ka nila sa pwet, palayasin ka sa bahay, hindi ka bigyan ng baon kinabukasan, sigawan ka, murahin ka, ma grounded ka buong buwan at 'di ka nila pag buksan ng gate -isa lang ang sigurado! mahal ka pa rin ng mga magulang mo! pareho lang yan... lubos-lubusin mo na pagmamahal sayo ng nanay at tatay mo! hehehe"
-calculus-
"...behind those shouts, yells, endless sermons & resentments of our parents are the hidden words of 'we love you'."