Jan 26, 2005

two weeks.

*currently listening JULY FOR KINGS' "invincible"


in two weeks my family and i are eating sardines(to make it more tasty and delicious, i saute it with onions!) wala e... walang wala talaga kami. since my kuya and i are out of school as of this semester, my mum and my younger brother are in need of their daily fare ride. so in two weeks we have just sufficient money for survival. pero talagang dumadating ang point na mawawalan ka na ng ganang makipag laban upang mabuhay. there are times pala talaga na you'll feel empty and giving up is the only option to tap. there are times i felt that tomorrow is not coming, that i wanted to live my life that it was my last, from breathing to smiling, from blinking to moving a muscle, from thinking a happy thought to intentionally making my heart stop beating.
just hours after, i opened our pc for me to play a game. in one point i changed my mind and instead scan some of the pictures. i saw pictures of my wonderful family and my friends.. special friends to be exact. for these years it kept me alive for just a thought of their my friends. my family... hah, my family... they're the most expensive gift i have from God. for me, family means 'sticking together'. i remembered some time ago that crisis in our family like this happened every year. parang ganito, nangyari na samin to dati e. but in some degree, every time we successfully survived, the level of difficulty are getting higher and more crippling than ever.


ano ccigaux, mag gi-give up ka pa ba?
ngayon pa na kung kelang naka survive na naman kami?
sige lang ng sige... just let it flow. laban lang ng laban.
e pano kung dapang dapa ka na. yung tipong halos wala ka ng magagawa?
edi tumayo lang ulit kapag nadadapa... =)

i would like to thank the following in which somehow God tapped their hearts and helped us get over that grueling two weeks... you never let us down.
krizane, karla, jijaw, jeffcrazy, japox, sa mga tindera na walang sawang sinisilbihan kami upang makabili ng Ligo Sardines and to my mom's friends!
special mention to my dad. pa, thanks sa tawag! i love you and i miss you!

Random Question of the week:
what's keeping you to survive life? what drives you to keep on standing up and keeping the human spirit alive, kicking?

Jan 17, 2005

five teachers and a san mig light!

Yesterday, I'm with a group of women drinking casually and talking about anything we could think of. It's a funny night with them and only me as their guest. I never thought women are somewhat the same as us, men when having a drink or two. Like us, they too talk about the oposites, fashion, jokes, their current status, relationships and even the most absurd and weirdest things happened or will happen. they do talk about their careers as college students and their working relations to the world they're into. nakakatuwang isipin na lahat sila gustong maging instrumento ng pagbabago. they are all teachers to be. in some point of their lives, they've seen the changes in the society from grade school teaching techniques to high school spoon feedings! and that's something to look forward to. ewan ko lang kung makaka lusot pa ang mga palusot ng mga estudyante nila sa future! hahahaha!!!! there's one topic that i do mostly enjoyed, the in's and out's of themselves. dito nagkaka aminan kung ano ang ayaw at nagustuhan nilang ugali ng bawat isa after being with each other for nearly five years. siyempre not counted ako dun kasi i'm not with them for the past years of their lives in school. each of them gaved their honest testimonies to each other and all of them maturedly accepted the way they thought about each other. and that's wonderful! kasi dito nasusubukan yung satisfaction ng bawat isa sa company... and this leads them to grow more and to be more than what they expect from themselves. ang mahalaga dun ay rerespetuhin ka nila kahit ano man ang iyong pinagdaanan or napagdaanan na. ang sarap talagang magkaroon ng kaibigan na hanggang sa kalalimlaliman ng buto mo ay kilala ka. simply one of the best gifts that a friend could offer is the time spent with each other. a minute, an hour, a day it doesnt matter... the most essential things are invisible to the eyes.

How twisted and unfair to consider women as weaker than men. How inconsiderate to think that gender equality is the basis for treating women rightly. i mean this is the same reasons why clashes of sex wars are silently happening in the society. one sees the other as weak eventhough we all know that all people have disabilities of their own. why not respecting each other's unique ability be the sole attitude towards each other. I've been with these women just one night, allowing me to explore and observe their multitude of ideas, only to find out that their world is not different with ours. I'm not saying i know them so much already. there's more to them to explore and to understand. More to them than their sparkling eyes and heart-fainting smiles!

Thanks and cheers to teacher's kessa, aecee, ann, kooky and pammy for the wonderful night of laughter, talks, tasty lumpiang galungong and easy smooth drinks!

random question of the week:
Paano kayo malasing? Ano ang inyong ugali or ginagawa kapag lasing na lasing na? mamaya na ako sasagot. kayo muna...

Jan 7, 2005

Sariwain Natin Ang Nakaraan....

na pansin ko lang...

1. bakit ba karamihan sa atin ay mahilig umupo sa tabi ng wind shield ng bus?
2. bakit kaya sa tuwing may itinuturo tayong bagay, kadalasan nating ipinangtuturo ay ang ating
nguso?

3. bakit kadalasan sa mga kontra bida sa mga pelikula ay may bigote? max alvarado, paquito diaz,
erap, romy diaz, calculus, daniel day luis and george estregan, jr.

4. sa mga lakad, bakit nagagalit ka kapag late ang kasama mo, samantalang kung ikaw ang late, ok
lang sayo? at pangitingiti ka pa! hahaha!

5. ano ba talagang product ng Mcdo na ineendorso or sinisimbulo ni GRIMACE?

Big issues that broke out in elementary to hischool life! siguro naman natatandaan niyo pa itong mga "earth shattering" news na bumulaga na lang sa mukha mo 10 years ago at ang mga bagay na nakatago na lang sa aparador niyo o ang mga bagay na sumimbulo ng pagbabago sa lipunan! sa tingin niyo? san nakuha itong mga 'to? hahahahA!!! balikan natin at sariwain!

1. namatay daw si Ultimate Warrior sa dahilang binuhat di umano niya si Andre the Giant gamit ang
kanyang "finishing move"! pumutok daw ang muscles niya.

2. hindi tunay na mga babae ang "the spice girls"

3. after ng concert ni Alanis Morrisette dito sa Pilipinas, namatay daw siya.

4. Rockers versus HipHopers! madalas na binubugbog ang sino mang naka pormang HipHop sa lansangan
at vice versa.

5. HAnsons di tunay na mga lalake!

6. Jordan tumalon mula three point arc.

7. na uso ang "G" Language

8. na uso si Mr. Bogus

9. may halong drugs ang mga Local snacks na nabibili sa lansangan.

10. na uso ang NBA CARDS

11. na uso ang Street Fighter, Starcraft and Command & Conquer

12. na uso ang kero keropi na finger watch! kapag wala ka nito, baduy ka!

13. na uso ulit ang mga hair styles tulad ng astek(hati sa gitna), keempy, spikes, layered, under
cut. bob cut, demon cut, semi cal, skin head at patilya.

14. na uso sa mga lalake ang botak bag.

15. status quo: ang hindi naka strallers na bag -- poor.

16. coleman ang da best drinking cooler ng mga estudyante

17. sino sa inyo may Dr.Marten's (DM's) pang nakatago magpa sa hanggang ngayon?
asteeg kayo!!!

18. Ang Pagbaon ng Hotdog ay Tradisyon na!

19. School Bus Blues! 1st trip or 2nd Trip!

20. May demonyong naka ukit daw sa cover album ng Gun's & Roses na "Use Your Illusion 1 & 2"

21. Madalas kilala si Lord God para mag dasal na sana walang pasok kapag may bagyo.

22. anong tawag dun sa candy na pumuputok sa dila mo?

23. Usong uso ang mga cartoons tulad ng Thundercats, Dragon Ball, Flame of Recca, Fushigi Yuugi
and Ghost Fighter!

24. ang pagtiklop sa laylayan ng pantalon na pa labas. Mas makapal ang tiklop, mas Japorms!

25. Nagkaroon ng mga Clubs at nag heheld ng every friday meeting after classes! san club ka
kasali?

26. still remember "panatang makabayan" at "ako'y pilipino" every morning falg ceremony?

27. ang sanlibutang pagkabahala ng mga KABATAAN sa "pimples and Black heads"

28. na uso ang giordano na Tshirt at Polo sport na pantalon sa lalaki. sa babae naman ay butterfly
hair clips at La Coste or Penshoppe apparell.

29. nakita ang pag usbong ng beepers at cellfones.
"oi pare, pag may lakad just give me a beep ha?" hahahahahha!!!

30. Lucky Me Pansit Canton Invation!!!

kayo? may naaalala pa ba kayo? share niyo na!!!!