Apr 25, 2008

Ang Ligayang Hatid ng Mga Baboy



Sino nga naman sa ating mga Pinoy ang hindi pa nakakabasa ng isang isyu ng Pugad Baboy Series. Ganap at isang genuine Pilipino ka kapag isa ito sa iyong mga binabasa. Sa bawat parihabang nag sisiksikang magkasiya sa kanto ang mga karakter ay mistulang buhay na buhay ang tunay na situwasiyon ng bansa. Minsang nakakatawa, minsan din namang tinamaan ka ng mga nakakahiyang pag uugali natin.

Isinasalamin ng Pugad Baboy ang bawat isa sa atin.

Naging bahagi tayo ng mundo nila. Sa kanila ko naranasang tumawa sa harap ng tahimik na pasaher sa loob ng isang FX biyaheng Marikina-Cubao.

Sana'y sa mga ngiti, sarkastikong mga parinig at kislap ng nagbibilugang mga mata nila'y naibsan man lang ang iyong pang araw-araw na prublema.

Ang tumawa kasama ng mga librong ito ay bahagi na ng pagiging isang masayahing Pilipino.

Kung masaya ka, magbasa. :)

Nagtataasan man ngayon ang presiyo ng bilihin, ngumiti pa rin, mga mahal kong Kalahi. :)


Apr 13, 2008

No Moolah, Bored Summer?

Ikaw ba 'to?

Mainit na nga ang panahon, wala ka pang pera. Naka dikit ka maghapon sa upuan at naka titig sa telebisiyon. Naiinggit sa mga kaibigan na palangoy-langoy na lang sa dagat at pool sa mga oras na ika'y nagtitiis sa mga patutsada ni Willie. Mistulang napaka bagal ng oras. Inaantay ang text ng isang "particular someone". At ang masaklap, magdadalawang buwan ka ng walang load. Nagpla-planong mag "outing" pero di matuloy tuloy. Sampung beses kang humihikab sa isang araw. Tanghali ka na gumising.

Puwes, 'di ka nag iisa. :)

Heto ang mga kakapiranggot na tips para maging masaya at kaaya aya ang summer mo kahit naka kulong ka at nagmumukmok sa bahay.

1. Maligo ng apat na beses sa isang araw.

2. Maglaro ng Magic: The Gathering with friends and partners. O kahit na anong card game.

3. Magbasa ng libro.

4. Mag basa ng mga kagilagilalas na friendster profiles.

5. Makipag titigan sa alaga. (Masuwerte ako at meron kaming alagang Pagong)

6. Abangan ang latest sa mala-telenobelang buhay ni Brian Gorell...(Na magkakaroon na raw ng MMK version.)

7. Kumatok sa kahoy tuwing nakakarinig ng tik-tik ng butiki.

8. Lumundag, Umawit sa harap ng electric fan at Tumawa... mag isa. :)

9. Isipin ang nakaraan; ang nakaraan niyo ng isang taong naging malapit sa iyo.

10. Mag ehersisiyo tuwing gabi, tatlong beses sa loob ng isang linggo.

11. Tumugtog ng instrumento.

12. Magpuyat.

13. Mag post ng blog tungkol sa latest summer (boring man o hindi) experiences mo so far.

14. Mangarap ng gising.

15. Gumawa ng tula. (kahit walang katuturan)

16. Makipag usap sa long lost friends. (Kung may kontak ka pa.)

Ituloy mo ang listahan... :)

Apr 9, 2008

Pop is Sell Out

Bakit sa ating mga i-ilang Pilipino, kapag na uso na ang isang kanta, yung tipong sobrang papular na, ay 'di natin mapigilang mainis at magalit?

Indeed. Good music, is good music. But these times, our times, I can never imagine pop music to be a good and irritating all at the same time.

Minsan nga, mas na eenjoy ko pa ang isang kanta kung i-ilan lang kaming nakaka alam nito. Who would've engaged in a conversation that you're topic is umbrella and irreplacable, since these songs are in your system all day?

Look, I'm not against these good music. I can really tolerate most genres. Minsan nga lang, sa sobrang papular ng isang kanta, namamatay pala ito agad dahil madaling napagsasawaan. Asan na yung mga taong tumangkilik sa "Unwell" ng Matchbox20 at "Perfect" ng Simpleplan? Pinatutugtog pa ba nila ang mga piratang cd's nila sa bahay at sa ipod(imitation/orig)? Na ang naka imprenta pa sa harap ng piratang cd ay "ALL THE HITS of 2004 and Beyond!"

Beyond my ass.

Sigh... I could not imagine music to be so despensable now adays. I personally believe that these popular good music are meant to be kept. Kasi nga naging paburito mo ito diba?

Kasalanan ba ng label o kasalanan ng artist? It's up to you to give the verdict, people.

For me, I'll reserve my comments for myself and try to be more understanding.

E pano pala kung tumanda na tayo. I imagine something like this..

80 year old Me: Apo, paki lagay nga sa ultimate mega pixelated touch screened micro compact disc ko yung "Akon" na MP20. I feel groovy and I wanna sheyk tha' thang, bebe! yeah!

In a world like this, it's really not that hard to imagine at all.

Apr 3, 2008

The Used and The User

Have you ever been used by people you know and you do not know very well? Weather indirectly or directly? And weather you're aware or not about it? What's more worst, being aware that you're being used or not?

I was being used so many times. Yung iba, kinalimutan ko na, yung iba, parang biglang bumalik sa isipan.

Not too long ago, a group of students from a prominent University needed a person who could appear on a video that they will shoot for academic purposes. Meaning... for thesis.

I volunteered, yes, for the purpose of helping them, since I've been on that student stage were you're so pressured to do things necessary for a major subject. And I volunteered, knowing that I would have newly found so-called friends.

Their thesis went by quite alright. They thanked us, my friends, for helping them. They said that they wouldn't know what to do if weren't for us... blah! blah! blah!

And then that's it. The communication stopped. Dumaan na dun sa puntong parang 'di na nila kami kilala.

At naglaho na silang 'sing bilis pa sa bula.

Nakakalungkot lang isipin. haayyy...

I have been forewarned about these kind of people in precollege times. Unfortunately, the warning didn't served me well. Because I didn't see it coming.

So which user/used are you, the one you're aware of it, or the one you're not?